Bumiyahe na patungong China si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa dalawang araw na state visit.
Ayon sa Pangulo, bubuksan niya ang panibagong kabanata ng bilateral ties ng China at Pilipinas.
“As I leave for Beijing, I will be opening a new chapter in our Comprehensive Strategic Cooperation with China. We will seek to foster meaningful relation and broaden our cooperation in various areas such as agriculture, energy, infrastructure, science and technology, trade and investment, and people-to-people exchanges, amongst others,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos sa publiko na tatalakayin niya kay Chinese President Xi Jinping ang isyung pulitikal at seguridad.
“I also look forward to discussing political-security issues of a bilateral and regional nature. The issues between our two countries are problems that do not belong between two friends such as the Philippines and China. We will seek to resolve those issues to mutual benefit of our countries,” pahayag ng Pangulo.
“In this regard, I also look forward to discussing political-security issues of a bilateral and regional nature. The issues between our two countries are problems that do not belong between two friends such as Philippines and China,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, reresolbahin ang naturang problema para maging maayos ang dalawang bansa.
Ito ang unang state visit ni Pangulong Marcos sa China simula nang maupo sa puwesto noong Hunyo 30, 2022.
Tatalakayin din nina Pangulong Marcos at Xi ang pagpapaigting sa ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, siyensya at teknolohiya, kalakalan, investment at people-to-people exchanges at iba pa.
“I look forward to my meeting with Chinese President Xi Jinping as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring numerous prospects and abundant opportunities for the peace and development to the peoples of both our countries,” pahayag ng Pangulo.
Mahigit sa 10 bilateral agreements ang inaasahang lalagdaan nina Pangulong Marcos at Xi.
Ayon sa Pangulo, dagdag ito sa mahigit 100 kasunduan na nilagdaan na ng dalawang bansa.
Sasamantalahin din ng Pangulo ang oportunidad para palakasin ang trade at investment habang pinalalakas pa ang ekonomiya ng bansa matapos ang pandemya sa COVID-19.
Pinasalamatan ng Pangulo ang China sa tulong na ibinigay sa bansa nang tumama ang pandemya.
Ayon sa Pangulo, ang China kasi ang unang nagbigay ng mga kagamitan at bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
“I hope to return home to the Philippines with a harvest of agreements and investments that will benefit our countrymen and further strengthen the foundation of our economic environment,” pahayag ng Pangulo.
Itutulak din ng Pangulo ang mga inisyatibo para sa food security, apat na suplay ng enerhiya at mga programa na may kinalaman sa sustainable digital economy.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga turistang Chinese na bumisita sa bansa.
Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na ang China ang ikalawang pinakalamaking source ng Pilipinas sa usapin sa tourist arrivals.
“As our doors open up in the new normal, I will invite our Chinese neighbors to once again return to the Philippines as tourists, as students, investors. Aside from sharing the wonders of our archipelago with our Chinese friends, strengthened people-to-people exchanges will allow us to bridge gaps in understanding between our two countries at every level. I shall push for the resumption of tourism and cultural cooperation between our two countries,” pahayag ng Pangulo.
Taon 1974 nang magtungo si Pangulong Marcos sa China kasama ang kanyang inang si dating First Lady Imelda Marcos para sa paglalatag ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Habang nasa China si Pangulong Marcos, itinalaga si Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa.
Pangangasiwaan ni Duterte ang pang-araw-araw na gawain sa pamahalaan.