Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur kaninang 6:09 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Hinatuan at Lingig sa Surigao del Sur.
Naitala naman ang Instrumental Intensity 1 sa Bislig, Surigao del Sur.
Asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.