Inatasan ni Pangulnong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin muna ang pagtataas ng premium rate at income ceiling para sa taong 2023.
Ito ang kinumpirma ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil.
Base sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dahil sa pandemya sa COVID-19, nagpasya ang Pangulo na itigil na muna ang pagtataas sa premium rate sa kontribusyon sa Philhealth.
Mula sa 4 porsyento, tataas sa 4.5 porsyento ang premium rate ngayong taon.
Mula sa 80,000 na income ceiling, tataas ito ng 90,000 ngayong taon.
Nakasaad pa sa memorandum na nais ng Pangulo na mabigyan ng financial relief ang taong bayan lalot dumaan sa matinding pagsubok ang bansa.