Angara: Libreng Sakay program may pondo sa 2023
By Jan Escosio December 30, 2022 - 05:08 PM
Tiniyak ni Senator Sonny Angara na napaglaanan ng pondo na maipagpatuloy ang Libreng Sakay program sa susunod na taon.
Ayon kay Angara, hindi napabilang sa National Expenditure Program na isinumite ng Malakanyang ang Libreng Sakay o PUV Service Contracting program ng Department of Transportation (DOTr). Ngunit ayon sa namumuno sa Senate Committee on Finance dahil sa inisyatibo ng Kongreso, napaglaanan ang programa sa 2023 General Appropriations Act ng P2.16 bilyon. “The Libreng Sakay program has benefited hundreds of thousands of our commuters, who have been clamoring for its continuation as a way to ease their burden from the rising costs of fuel and basic goods and commodities. These days every peso counts and whatever little savings that could be realized is highly appreciated,” ani Angara. Ikinasa ang programa upang matulungan ang mga transport frontliners, na kabilang sa mga naapektuhan ng lockdowns na naglimita sa biyahe ng mamamayan. “Malaking bagay ang pagpapatuloy ng Libreng Sakay sa panahon na ito lalo na at mabigat pa din ang pasanin ng karamihan ng ating mga kababayan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Dapat lang natin siguraduhin na sapat ang mga bus na maghahatid sa ating mga mananakay para hindi maipon ang mga pila at makarating ng maayos ang pasahero sa kanilang mga destinasyon,” dagdag pa ng senador.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.