MMDA nagpadala ng saklolo sa Misamis dahil sa grabeng pagbaha
By Jan Escosio December 30, 2022 - 04:41 PM
Nagpadala ng tulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Misamis Oriental at Misamis Occidental na kapwa lubhang naapektuhan ng mapaminsalang pagbaha.
Sinabi ni MMDA General Manager Procopio Lipana na ang ipinadala nilang 16-man contingent ay binuo ng mga tauhan ng Public Safety Division and Road Emergency Group. Aniya ang mga ito ay inatasan na magsagawa ng humanitarian and relief operations sa mga apektadong pamilya sa dalawang lalawigan. “Their main task is to set up water filtration systems in communities with limited or no supply of clean and potable water,” ani Lipana. Bitbit ng grupo ang 20 units ng water purifier systems, na may kapasidad na maglabas ng 180 galon ng malinis na tubig kada oras.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.