Sen. Tito Sotto, nagpalabas ng listahan ng mga senador na may hahawakang komite
Nagpalabas ng inisyal na listahan si Sen. Tito Sotto para sa senador na may hahawakang komite.
Kabilang dito ang Senate Committee on Defense na mapupunta kay Sen. Gringo Honasan.
Ang Senate Committee on Public Order ay kay Senator-elect Panfilo Lacson habang ang Senate Committee on Tourism ay kay Sen. Nancy Binay.
Mapupunta ang Senate Committee on Public Works kay Senator-elect Manny Pacquaio at ang Senate Committee on Finance ay kay Sen. Loren Legarda.
Ang Senate Committee on Local Government ay hahawakan ni Senator-elect Sherwin Gatchalian habang si Sen. Grace Poe ay sa kanya ang Senate Committee on Public Services.
Si Sen. Franklin Drilon naman ang hahawak sa Senate Committee on Banks at si Sen. Bam Aquino sa Senate Committee on Education.
Ang Senate Committee on Ways and Means ang nakatoka kay Sen. Sonny Angara habang ang Senate Committee on Agriculture ay kay Senator-elect Kiko Pangilinan.
Mapupunta naman ang Senate Committee on Health kay Sen. Risa Hontiveros, ang Senate Committee on Labor kay Senator-elect Joel Villanueva at ang Senate Committee on Justice ay kay Senator-elect Leila de Lima.
Si Sotto ang magiging Senate Majority Floor Leader kapag pormal ng magiging Senate President si Sen. Koko Pimentel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.