5,000 benepisaryo sa ibat-ibang community programs ng MPT South
Higit 5,000 ang naging benepisaryo, kabilang ang mga alagang hayop, ng ibat-ibang programa at proyekto na isinagawa ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPTC), ngayon taon.
Ang mga benepisaryo ay mula sa ibat-ibang komunidad sa paligid ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
Sa pagpupirsige ng mga nagboluntaryo nilang mga empleado, pitong programa at aktibidad ang naikasa ng MPT South.
Kabilang dito ang ‘Drayberks’ road safety seminar; ang paglulunsad ng Bayani ng Kalsada “Bayani Ka” Activity Book at child safety caravan, “Alagang MPT South” Medical Mission, Love Pets Save Lives program, at “Paskong Saya Handog ng MPT South” gift giving activity.
Bukod pa dito, ang pagbibigay tulong sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga kalamidad.
Naipamahagi ang 3,000 food packs sa pitong komunidad sa Paranaque, Cavite, at Laguna at kabuuang 932 residente ng Barangay Aplaya, Kawit, Cavite; Barangay 183, Pasay City at Barangay Tibig, Silang, Cavite ang nakinabang sa libreng medical consultations at mga bitamina sa serye ng “Alagang MPT South Medical Mission” activities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.