Incoming PNP Chief, hindi apektado sa puna ng CHR

By Ruel Perez June 09, 2016 - 07:52 PM

Ronald Dela Rosa2Dapat umanong isaisip ng mga taga Commission on Human Rights na sila din at ang pamilya nila ang makikinabang sa pagnanais ng Duterte administration na wakasan na ang maliligayang araw ng mga kriminal at drug lords.

Pahayag ito ni Incoming Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa puna ng CHR at ng United Nations na mapanganib ang paraang naiisip ng susunod na administrasyon sa pagsugpo ng kriminalidad at illegal drugs sa bansa.

Ani Dela Rosa, kung pakikinggan at magpapaapekto sila sa kaliwa’t kanang mga puna, wala mangyayari sa kanilang kampanya.

Kaya apela ni Dela Rosa sa CHR at iba pang mga human rights group, makita sana na maganda ang motibo at ang kanilang layunin dahil kung hindi, magtutuloy-tuloy lang ang ligaya ng mga kriminal gayundin ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.