14 kooperatiba sa bansa pinarangalan ng Villar SIPAG
Binigyan pagkilala at parangal ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ang 14 kooperatiba sa bansa dahil sa natatanging pagbibigay serbisyo para sa pag-angat ng kabuhayn ng komunidad.
Pinangunahan nina dating Senate President Manny Villar at Sen. Cynthia Villar ang pagbibigay ng natatanging pagkilala sa 14 kooperatiba, na tumanggap din ng P250,000 bawat isa mula sa Villar SIPAG.
Nabatid na may 153 kooperatiba ang lumahok, bago ito bumaba sa 34, kung saan naman pinili ang huling 14.
“Cooperatives play a significant role toward realizing the aspirations of our countrymen, especially those from the rural areas. They are the true epitome of Sipag at Tiyaga, values that have helped me succeed in my career as a businessman and a public servant,” ani Senate President Villar.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sen. Villar na umaasa sila na magsisilbing inspirasyon ang ginawa nilang pagkilala sa iba pang mga kooperatiba na ipagpatuloy ang pagtulong para sa pag-unlad ng komunidad.
Dumalo din sa parangal sina House Deputy Speaker Camille Villar, Vista Land CEO Paolo Villar at Cooperative Development Authority Usec. Joseph Encabo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.