Ito ay matapos mapatunayang guilty si Salvador Trinidad Jr., ng grave misconduct.
Nauna nang nasentensiyahan ng isang korte sa Barauen, Leyte ng pagkakakulong na mula apat hanggang siyam na taon si Trinidad nang molestiyahin nito ang isang estudyante ng Palompon National High School.
Sinabi ni Deputy Ombudsman Paul Elmer Clemente na ang mga ganitong asal ng isang guro ay hindi kinukunsinti dahil sila pa dapat ang nagiging gabay para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Bukod sa pagkakatalsik sa serbisyo, hindi na rin makakahawak ng anuman posisyon sa gobyerno si Trinidad at balewala na rin ang kanyang mga retirement benefits.