Public school teacher sa Leyte, pinatanggal sa serbisyo ng Ombudsman

By Jan Escosio June 09, 2016 - 07:51 PM

Palompon LeyteMatapos masentensiyahan ng korte dahil sa kasong pangmomolestiya, pinatanggal na sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang isang public school teacher sa Palompon, Leyte.

Ito ay matapos mapatunayang guilty si Salvador Trinidad Jr., ng grave misconduct.

Nauna nang nasentensiyahan ng isang korte sa Barauen, Leyte ng pagkakakulong na mula apat hanggang siyam na taon si Trinidad nang molestiyahin nito ang isang estudyante ng Palompon National High School.

Sinabi ni Deputy Ombudsman Paul Elmer Clemente na ang mga ganitong asal ng isang guro ay hindi kinukunsinti dahil sila pa dapat ang nagiging gabay para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Bukod sa pagkakatalsik sa serbisyo, hindi na rin makakahawak ng anuman posisyon sa gobyerno si Trinidad at balewala na rin ang kanyang mga retirement benefits.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.