25 patay, 26 nawawala sa pagbaha sa Visayas at Mindanao regions

By Chona Yu December 28, 2022 - 08:39 AM

(Courtesy: PCG)

 

Patay ang 25 katao dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao regions.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, lima ang nasawi sa Bicol region, dalawa sa Region 8, dalawa sa Region 9 at 16 sa Region 10.

Nasa 26 katao naman ang naiulat na nawawala at patuloy na pinaghananap ng search and rescue team.

Sa naturang bilang, 12 ang nawawala sa Region 5,  11 sa Region 8, isa sa Region 9 at dalawa sa Region 10.

Nasa siyam katao naman ang naiulat na nasugatan at nilalapatan ng lunas.

Nasa 102,476 na pamilya o 393,069 katao ang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.

Sa naturang bilang, 81,443 katao ang nasa 292 na evacuation centers.

 

TAGS: baha, Mindanao, news, Radyo Inquirer, shear line, ulan, Visayas, baha, Mindanao, news, Radyo Inquirer, shear line, ulan, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.