Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, naglalatag na ng paghahanda para sa La Niña
Nagpulong-pulong na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para alamin ang mga ginagawang paghahanda para sa La Niña at sa panahon ng tag ulan.
Ayon kay Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Alexander Pama, nagsagawa na sila ng pre-disaster risk assessment o PDRA meeting sa Kampo Aguinaldo.
Kasama sa nasabing pulong ang NDRRMC, MMDA, DILG, DSWD, DPWH, DEPED, PHIVOLCS, DOST-PAGASA, PROJECT NOAH, DOST MINES & GEOSCIENCES BUREAU, PCG, OCD, NEDA, DA at BFP.
Sa report ng PAGASA, inaasahan ang malalakas na pag ulan, mas maraming bilang ng bagyo at mas maraming ulan sa mga susunod na buwan dahil sa La Niña.
Tinukoy naman ng Project Noah ang mga lugar na posibleng bahain partikular na ang mga nasa mababang lugar.
Ipinrisinta din sa pulong ang kasalukuyang estado ng mga flood control projects, ang mga naka-standby na quick reaction team, deployment ng humanitarian and disaster response team, mga ginagawang paglilinis sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig at ang mga naka-standby na relief goods sa bawat lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.