Pag-ulan nakapinsala ng P60-M halaga ng mga pananim
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot sa halos P60 milyon ang halaga ng mga napinsalang pananim sa pag-ulan noong nakalipas na ‘Christmas weekend.’
Sa datos ng NDRRMC, P59.82 milyon ang halaga ng mga pananim na napinsala sa Visayas, Mindanao at bahagi ng Timog Luzon.
Sa Bicol Region, P52.72 milyon ang naitalang halaga ng pinsala.
Tinaya naman na P7.1 milyon ang halaga ng mga napinsalang pananim sap ag-ulan at pagbaha sa Northern Mindanao.
May 1,966 magsasaka at mangingisda naman ang apektado ng kalamidad.
Ang inisyal na halaga naman ng pinsala, base sa datos ng NDRRMC, ay P14.58 milyon.
May 13 katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang may 23 pa ang nawawala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.