Menor de edad na babae, sinunog ng buhay ng sariling ina at kapatid sa Pakistan
Sinunog hanggang sa mamatay ng kanyang sariling ina at kapatid ang isang menor de edad na babaeng Pakistani sa Islamabad, Pakistan
Ayon kay Punjab police representative Nabeela Ghazanfar, ito ay dahil umano sa pagpapakasal ng biktima sa lalaking tinututulan ng kanyang pamilya.
Kinilala ang biktima na si Zeenat Rafique, 18 taong gulang, na humiwalay sa kanyang pamilya simula nang ikasal ito.
Ngunit nang bumalik aniya si Rafique sa bahay ng kanyang sa Lahore, itinali siya sa kama ng kanyang ina at lalaking kapatid.
Dito na binuhusan ng gasolina si Rafique at sinindihan ng apoy dahilan para masunog ito ng buhay at maideklarang dead on the spot.
Dagdag ni Ghazanfar, hindi pa nila makumpirma kung binugbog at pinahirapan muna ang biktima bago patayin dahil sa sunog na katawan.
Kusang loob naman na sumuko ang ina ng biktima na si Parveen Bibi habang ang lalaking kapatid naman na si Ahmer Rafique ay pinaghahanap pa rin ng mga pulis hanggang ngayon.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang ina ng biktima na mariing sinabi na hindi pinagsisisihan ang kanyang ginawa sa sariling anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.