516 new severe and critical COVID 19 cases na-ospital noong araw ng Pasko
Sa nakalipas na araw ng Pasko, karagdagang 516 bagong kaso ng COVID 19 ang na-admit sa mga ospital dahil sa ‘severe and critical conditions.’ ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon pa sa kagawaran, sa itinalagang 2,367 ICU beds para sa mga COVID 19 patients, 451 ang okupado o 19.1 porsiyento, samantalang sa 18,935 non-ICU COVID 19 beds, 17.6 porsiyento o 3,324 ang okupado.
Mula naman noong Disyembre 19 hanggang Disyembre 25, karagdagang 5,690 bagong COVID 19 cases ang naitala.
Sinabi pa ng DOH na ang bagong daily average number of cases ksa nakalipas na linggo ay 813, na mas mababa ng 25 porsiyento kumpara sa naitala sa sinundan na isang linggo.
Nakapagtala din ng karagdagang 172 na pumanaw at 24 ay noong Disyembre 12 hanggang noong nakaraang araw ng Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.