Ipinanawagan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na tularan si Hesu Kristo sa kanyang pagmamahal sa mga mahihirap at mahihina.
“We are urged to let him in the doors of our hearts and to enlist ourselves to be his disciples and follow his ways,” ani Archbishop Advincula sa kanyang homiliya sa Banal na Misa sa Manila Cathedral kagabi, bisperas ng Araw ng Pasko.
Hiniling niya sa mga Filipino na magmahal ng walang kondisyon katulad ni Hesus.
“Today is not the end but just the beginning of the birth of Christ in our lives. The work of Christmas begins,” sabi pa nito.
Dagdag pa niya; “The incarnation of Jesus should be understood as a divine training and instruction to liberate and activate the full human potential to love and to live temperately, justly, devoted, and eager to do what is good.”