SWS: 7 sa bawat 10 Filipino tiwala sa masayang Pasko

By Jan Escosio December 25, 2022 - 08:12 AM

Photo courtesy of magingalagadngsining.wordpress.com

Halos 73 porsiyento ng mga Filipino ang umaasa ng masayang Pasko ngayon taon, base sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

May pitong porsiyento ang nagsabi na malungkot na Pasko ang kanilang inaasahan na mababa ng isang porsiyento kumpara sa naitala noong nakaraang taon.

May 19 porsiyento naman ang hindi sigurado kung masaya o malungkot ang kanilang Pasko.

“The 73% expecting a happy Christmas is 8 points above the 65% in 2021, and 23 points above the record-low 50% in 2020. However, it is still 6 points below the pre-pandemic level of 79% in 2019,” ayon sa SWS.

Ang bilang ng nagsabing masaya ang inaasahan nilang Kapaskuhan ay tumaas sa  4th Quarter 2022 Social Weather Survey.

May 49 porsiyento ang nagsabi na mas magiging masaya ang kanilang Kapaskuhan ngayon kumpara bago tumama ang pandeya dulot ng COVID 19.

Sinabi naman ng 28 porsiyento na walang magbabago at 21 porsiyento ang sinagot na mas masaya ang kanilang Pasko sa nakalipas na mga taon.

TAGS: masaya, Pasko, survey, SWS, masaya, Pasko, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.