Las Piñas LGU namahagi ng ‘Noche Buena’ packages

By Jan Escosio December 23, 2022 - 05:33 PM

Las Piñas PIO Photo

Naghatid kasiyahan ngayon Kapaskuhan ang pamahalaang-lungsod ng Las Piñas sa mga residente ng lungsod.

Pinangunahan nina Mayor Imelda Aguilar at Vice  Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng ‘Noche Buena packages sa pamamagitan ng programang ‘Pamaskong Handog.’ Ang nakakabatang Aguilar ang nag-ikot sa 20 barangay ng ,lungsod para sa distribusyon ng kanilang mga handog sa mga Las Piñeros. Ang ‘Noche Buena items’ ay kinabibilangan ng spaghetti packs, fruit cocktails, dakawang kilo ng bigas at iba na maaring pagsaluhan ng pamilya sa ‘Noche Buena.’ Sinabi naman ni Vice Mayor Aguilar na ang programa ay pagpapakita ng tunay na pagmamalasakit at pagmamahal ni Mayor Aguilar sa mga senior citizens, persons with disability (PWDs) mahihirap na residente ng lungsod. Nais aniya nila, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod na mapasaya ang mga ito ngayon Kapaskuhan at para na rin na maipadama ang pagmamahal sa mga  Las Piñeros.

TAGS: Aguilar, Christmas, las pinas, LGU, Aguilar, Christmas, las pinas, LGU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.