Trabaho sa SC at Maynila, suspendido na ngayong hapon
Nagsuspendi na ng trabaho ang Supreme Court mamayang 12:00 ng tanghali, Disyembre 23.
Base sa Memorandum Order Number 178-2022, suspendido ang court operation para mabigyan ng sapat na panahon ang mga empleyado nito na makapaghanda sa Pasko.
Pero ayon sa SC, hindi kasama sa suspensyon ng trabaho ang mga personnel na kinakailangan na makapag proseso ng bail o piyansa, orders of releaseas at iba.
Samantala, nagsuspendi na rin ng trabaho ngayong hapon ang lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang suspensyon sa trabaho para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makapaghanda sa Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.