Bumaba ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 13.1 percent na lamang ang positivity rate na naitala noong Disyembre 20 kumpara sa 14.5 percent na naitala noong Disyembre 13.
Bumaba rin ang reproduction number kung saan nasa 0.91 na lamang.
Nangangahulugan ito ayon kay David na pababa na bilang ng mga taong nagkakasakit dahil sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.