Niyanig ng 3.5 magnitude na lindol ang Nueva Era, Ilocos Norte kaninang 1:19 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ang lindol na may lalim na isang kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Lacub, Abra.
Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Nueva Era, Ilocos Norte.
Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang aftershocks o tsunami matapos ang lindol.
Wala ring naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.