Dalawang Chinese, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo dahil sa kasong kidnapping

Guilty sa kasong kidnapping for ransom ang hatol ng Paranaque City Regional Trial Court Branch 295 sa dalawang Chinese nationals.

Ayon sa pahayag ng National Bureau of Investigation, guilty sina Zhihua Liu at Yuqiong Zhu.

Naaresto ang dalawang dayuhan nang magsagawa ng operasyon ang NBI-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) sa Nuwa Hotel, City of Dreams, Paranaque City noong Disyembre 13, 2020.

Dinukot ng dalawang dayuhan ang biktimang si Zheng Xibing.

Humingi ang dalawang dayuhan ng P1 milyong ransom kapalit ng kalayaanni Zheng.

Reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang naging hatol ng korte laban sa dalawang Chinese.

 

 

Read more...