Iminungkahi ni Senate President Franklin Drilon na magkaroon dapat ng deadline ang mga senador sa pagbalangkas ng Con-Con.
Ito ay kung target na isalang sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang pag-amyenda ng Constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly or Constitutional Convention sa 17th Congress.
Paliwanag ni Drilon, kailangan matapos ng tatlong taon ng mga senador o ng bubuoing body ang pag-debate sa pagbuo ng Con-Con.
Ayon pa kay Drilon, hindi pwede na walang deadline dahil baka umabot sa sampung taon ang pagbalakas sa bagong porma ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng Senate President na magiging cooperative ang Senado sa bagong administrasyon, pero hindi ito nangangahulugan na lagi silang sasang-ayon sa gusto ni Incoming President Rodrigo Duterte.