Buwanang hulog sa pabahay ng NHA, maari ng bayaran sa Maya Philippines

By Chona Yu December 21, 2022 - 02:21 PM
Lalo pang pinadali ng National Housing Authority ang pagbabayad ng monthly amortization sa pabahay. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, gagamit na ang kanilang hanay ng online payment sa pakikipagtulungan ng Maya Philippines, Inc. Nilagdaan nina Tai at Ma. Rocielo B. Nunez, Senior Lead and Cluster Head ng Maya Public Sector and Special Enterprise ang memorandum of agreement. Magkakaroon aniya ng pilot digital payments sa  Maya ang mga benepisyaryo ng special housing projects sa Region II at Cordillera Administrative Region II (Car II). Bukod sa payments, maari ring magbigay ang Maya ng  billing notices at remittances of collected payments sa pamamagitan ng email o SMS notifications. Ayon kay Tai, nabuo ang konsepto ng online payment noong kasagsagan ng pandemya sa COVID-19. “Its adoption may also serve livelihood opportunities to beneficiaries who intend to become merchants in the community for Maya e-wallet cash-ins,” pahayag ni Tai.

TAGS: news, NHA, Pabahay, payment, Radyo Inquirer, news, NHA, Pabahay, payment, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.