168,000 pasahero dumagsa sa PITX

By Chona Yu December 20, 2022 - 03:29 PM

 

Nasa 168,000 na pasahero na ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange para umuwi sa ibat ibang probinsya ngayong Pasko.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Jason Salvador, Corproate Affairs at Government Relations chief ng PITX, inaasahang tataas pa ito sa 170,000 na pasahero kada araw.

Dahil dito, sinabi ni Salvador na puspusan ang paghahanda ng PITX para masiguro na ligtas ang mga pasahero.

Nakipag-ugnayan na aniya ang PITX sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board para masiguro na may sapat na sasakyan ang mga uuwi ng probinsya.

Nagbigay na aniya ng special permit ang LTFRB sa public utility vehicles.

Kabilang sa safety measures na ginagawa ngayon ay ang pagsasagawa ng random drug tests sa mga drayber at random inspection sa PUVs.

May mga pulis aniya na ipinakalat ang Philippine National Police sa PITX.

 

TAGS: news, pitx, Radyo Inquirer, news, pitx, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.