Revilla gustong magkaroon ng 13th month pay mga gov’t contractual workers

By Jan Escosio December 20, 2022 - 01:36 PM
Naghain ng panukala si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla para mabigyan ang government contractual workers ng 13th month pay. Katuwiran ni Revilla malaki at mahalagang serbisyo ang ibinibigay maging ng ‘contractuals’ kayat makatuwiran na na matanggap din nila ang nabanggit na benepisyo.

Ang trabaho nila ay kasing bigat ng trabaho ng mga regular. Walang duda, sila rin ay kasing sipag ng ibang kawani ng gobyerno. Kaya nararapat lamang na bigyan rin natin sila ng benepisyo na natatanggap ng mga regular employee,” sabi pa ng senador.

Banggit niya, may 642,077 manggagawa sa gobyerno na nasa ilalim ng contract-of-service’ o job order hanggang noong Hunyo 30, ngayon taon.

Ang bilang ay mula sa pag-imbentaryo ng Government Human Resources.

TAGS: 13th month pay, Bong Revilla, Bonus, contractual workers, news, Radyo Inquirer, 13th month pay, Bong Revilla, Bonus, contractual workers, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.