Reklamo ng 2 PDLS kay BuCor chief Bantag idudulog sa CHR

Ilalapit sa Commission on Human Rights (CHR) ang mga reklamo ng dalawang bilanggo ng National Bilibid Prison (NBP) kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag. Ito ang sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang kaugnay sa sumbong ng dalawang bilanggo na sinaksak sila ni Bantag. Ayon sa dalawang bilanggo, Pebrero 1, ngayon taon nang ipinatawag sila sa opisina ni Bantag, na anila ay lasing at galit na galit dahil sa nangyaring ‘jailbreak’ noong Enero. May hawak ng kris si Bantag ng mga sandaling iyon at ito ayon sa dalawa ang ipinangsaksak sa kanila ng opisyal. Nais ni Catapang na maipaalam at mapaintindi sa mga bilanggo ang kanilang mga karapatan upang hindi sila maabuso. Naniniwala naman si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na marami pang bilanggo ang magrereklamo.

Read more...