Election gun ban na ipinatupad ng Comelec at PNP, tapos na
Nagtapos na kaninang alas dose ng hatinggabi ang election gun ban na ipinatupad ng Commission on Elections at Philippine National Police simula pa noong Enero 10.
Ayon sa tala ng PNP, sa loob ng 150 araw na umiral ang gun ban, umabot sa 4,661 ang mga nahuling violators.
Karamihan sa mga sinampahan ng kaso ngayong 2016 election gun ban ay mga sibilyan na umabot sa 4,460, mas mataas ng higit isang libo kumpara sa 3,437 na nahuling mga sibilyan noong 2013 elections.
Nakahuli rin ang PNP ng 36 na mga pulis, 21 miyembro ng Armed Forces of the Philippines at 37 government officials na lumabag sa gun ban.
Mas marami rin ngayon ang nakumpiskang armas, sa bilang na 3,828 kumpara sa 3,617 confiscated firearms noong 2013 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.