Paggamit ng satellite data sa agricultural, business at environmental protection, itinutulak ni Pangulong Marcos
Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng access sa satellite data ang ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan.
Ito ay para magamit sa agriculture, business, at environmental protection.
Si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman ng Philippine Space Council (PSA).
Sa naturang pulong, ipinunto ng Pangulo ang kahalagahan ng satellite mapping para sa multiple applications.
“The reason we are signing an MOU (Memorandum of Understanding) with the Space Council is so that we can do mapping because…as I was explaining to you earlier, in terms of green, in terms of bio assets, there is now a way to quantify your nice fisheries, your agricultural activity,” pahayag ng Pangulo.
“It is in terms of how much carbon you’re putting out into the air. But the beginning, the first step of that, will be to map,” dagdag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng satellite mapping ay maari nang mapabilang ang carbon production at maka-develop ng isang bio diverse area sa isang partikular na lokasyon.
Paraan na rin aniya ito para malaman kung may naghihintay na magandnag produksyon sa pangisdaan at gabay sa isang agricultural activity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.