Mga dormitoryo sa Maynila, ininspeksyon ng Bureau of Fire Protection
Ilang araw bago ang pasukan, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang pag-iinspeksyon sa mga dormitoryo ng Manila Bureau of Fire Protection sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Fire Marshall Supt. Jaime Ramirez, bago pa man pumasok ang buwan ng Hunyo hanggang sa kasalukuyan ay nasa isang daan at labing anim na ang mga dormitoryong kanilang na-inspeksyon.
Tatlo sa mga ito ay binigyan nila ng order for stoppage, matapos mabigong maabot ang safety standard at makatugon sa notice to correct violation.
Aniya, katuwang nila sa pag-iikot at pag-iinspeksyon ang mga tauhan ng Manila City Hall, na magpapatuloy hanggang sa huling araw ng Hunyo.
Sa Lunes, nakatakda namang sumailalim sa pag-iinspeksyon ang mga dormitoryo na nasa loob at nakapalibot sa University Belt.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.