P8.6-B naipamahagi ng DOLE sa 2M manggagawa

By Jan Escosio December 20, 2022 - 08:21 AM

 

Nakapagbigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng may P8.6 bilyon halaga ng emergency employment at cash assistance sa higit dalawang milyong manggagawa na patuloy na naaapektuhan ng pandemya.

Sa 2022 year end report, inanunsiyo ng kagawaran na 1.971 milyong manggagagawa ang naging benepisaryo ng TUPAD assistance o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Bukod dito, nagbigay din ng P283 milyon ang DOLE sa 62,290 manggagawa na naapektuhan naman ng Northern Luzon earthquake gayundin ng nabiktima ng mga bagyong Paeng at Karding.

May 21,120 manggagawa ang nabiyayaan naman sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Samantala, 3,725 manggagawa naman ang nabigyan tulong ng Employees Compensation Program.

TAGS: DOLE, news, Radyo Inquirer, DOLE, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.