VP Sara Duterte namigay ng regalo sa mga riders

By Chona Yu December 17, 2022 - 04:32 PM

 

May maagang pamaskong handog si Vice President Sara Duterte sa motorcycle riders sa Quezon City.

Personal na iniabot ni Duterte ang mga regalo sa may 200 riders na miyembro ng Angkas at Joyride sa Batasan Hills.

“Salamat sa inyong tulong sa ating mga kababayan na araw-araw ay kinakailangan na sumabak sa trapiko. Patuloy kayong maging maingathindi lang sa inyong sarili subalit maging sa inyong mga pasahero,” pahayag ni Duterte.

Nabatid na puno ng groceries ang regalo ni Duterte.

Pinili ni Duterte na bigyan ng regalo ang mga motorcycle riders sa Batasan Hills dahil noong panahon ng kampanya, ang mga drayber ng Angkas at Joyride ang tumulong sa kanya.

“Kami po ay nagpapasalamat sa ating mahal na Vice President Sara Inday Duterte. Patuloy ang pagmamahal at suporta ang kaniyang ipinakikita at ipinagkakaloob sa ating mga motorcycle riders,” pahayag ni Angkas CEO George Royeca.

“Ang Angkas po ay patuloy na tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan na kailangan n gating serbisyo. Serbisyo na ligtas at patas an gaming patuloy na ipinagkakaloob,” dagdag ni Royeca.

TAGS: Angkas, JoyRide, news, quezon city, Radyo Inquirer, regalo, Sara Duterte, Angkas, JoyRide, news, quezon city, Radyo Inquirer, regalo, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.