P25 kada kilo na bigas sa Kadiwa stores, sapat ang suplay ayon kay Pangulong Marcos

 

May sapat na suplay ng bigas ang mga Kadiwa stores sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos matapos inspeksyuninang warehouse ng National food Authority sa Valenzuela City.

Ayon sa Pangulo, sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Sa ngayon, umaasa aniya ang Kadiwa stores sa suplay ng lokal na magsasaka at hindi sa importasyon ng bigas.

Paliwanag ng Pangulo, binawasan ng pamahalaan ang pag-aangkat ng bigas.

Nabibili ang bigas sa Kadiwa stores sa halagang P25 kada kilo.

Read more...