Palasyo ng Malakanyang bukas sa Simbang Gabi

 

Binuksan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko ang Palasyo ng Malakanyang para saa tradisyunal na “Simbang Gabi.”

Ayon sa Pangulo, mayroong misa araw-araw tuwing 4:30 ng umaga sa harap ng Mabini Hall.

Maari aniyang pumasok ang mga mananampalataya sa Gate 6 ng Malakanyang at diretso sa harap ng Kalayaan Hall.

Nagsimula ang Simbang Gabi noong Disyembre 16 at magtatapos sa Disyembre 24

Ginawa ng Pangulo ang anunsyo sa Christmas party sa mga empleyado ng Office of the President.

Matatandaang noong nakaraang dalawang linggo lamang, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang Christmas tree lighting sa Kalayaan grounds kung saan inimbitahan ang mga bata.

Nagsagawa rin ang Pangulo ng gift-giving event kung saan binigyan ng regalo ang mga batang nakatira sa paligid ng Palasyo ng Malakanyang.

Isinagawa ang gift giving sa temang “‘Balik Sigla, Bigay Saya: Nationwide Gift Giving,” kung saan 600 na bata ang binigyan ng regalo.

Nagsagawa rin ng simultaneous event sa 40 ibat ibang lugar sa buong bansa.

 

Read more...