Pilipinas naghain ng diplomatic protest laban sa China

By Chona Yu December 17, 2022 - 07:24 AM

 

Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

Ito ay matapos ang insidente ng pang-aagaw ng Chinese Coast Guard sa nakuhang rocket debris ng Philippine Navy sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza, may petsa ang diplomatic protest noong Disyembre 12 matapos ang note verbale na inihain ng Pilipinas sa China noong Nobyembre 24.

Ayon pa sa pahayag ng DFA, naghain ng diplomatic action ang Pilipinas para i-protesta ang illegal actions na ginawa ng Chinese Coast Guard noong Nobyembre 20, 2022.

Bibisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa China sa Enero 3 hanggang 6 sa susunod na taon.

 

TAGS: China, debris, DFA, Diplomatic PRotest, Ferdinand Marcos Jr., note verbale, rocket, China, debris, DFA, Diplomatic PRotest, Ferdinand Marcos Jr., note verbale, rocket

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.