Ito’y sa harap ng patuloy na paglipat ng mga Kongresista sa ‘coalition for change’ ng itinutulak na House Speaker ni President-elect Rodrigo Duterte na si presumptive na si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.
Ayon kay Navotas Congressman Toby Tiangco, nasa labing limang Kongresista, na hindi pa kasama sa tinatawag na super majority, ang nag-uusap ngayon hinggil sa pagbuo ng bagong Minority group.
Ani Tiangco, porke’t natalo si Binay sa nakalipas na May 9 presidential elections, hindi raw sila basta-bastang mang-iiwan sa ere.
Bukod dito, sinabi ni Tiangco, presidente ng United Nationalist Alliance o UNA, na naniniwala pa rin sila sa mga programang pang mahirap ni Binay.
Pagtitiyak ni Tiangco, sakaling makabuo sila ng matatag na Minority group, magiging epektibo silang oposisyon sa Mababang Kapulungan.
Isusulong din umano nila ang mga pro-poor programs ni Binay, na ipinatupad nito noong siya’y Bise Presidente pa.
Nauna nang nagsitalunan sa super majority o administration party na PDP-Laban ang mga Mambabatas mula sa NPC, NUP, NP at Liberal Party.