Security equipment, x-ray machines sa entry points ng NAIA T4 inalis na

 

Tinanggal na ngayon araw ang security equipment, maging ang x-ray machines sa lahat ng entrances ng NAIA Terminal 4.

Base sa abiso na inilabas ng Cebu Pacific, sa darating na Disyembre 20 ang naturang hakbang ay gagawin na rin sa NAIA Terminal 3.

Ayon pa rin sa Cebu Pacific, hahanapin na lamang ng security personnel ang travel documents ng mga pasahero.

Tanging ang mga pasahero na may ticket at ID ang papayagan na makapasok sa airport.

Paalala lang din sa mga pasahero na maayos at maingat silang mag-impake ng kanilang mga gamit at iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na mga bagay.

Ang mga bagay na ilulusot ay kukumpiskahin sa ‘final screening.’

Read more...