Mga imprastraktura sa higit 800 sinkholes sa Boracay aalamin
Hihingi ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ng mapa sa Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau, kung saan makikita ang daan-daang sinkholes sa pamosong isla.
Sa inilabas na ulat ng kawanihan, may 815 sinkholes na sa Barangay Balabag, Manocmanoc at Yapac mula sa 789 na nadiskubre noong 2018.
Sinabi ni Mayor Frolibar Bautista na ikinagulat nila ang ulat dahil walang koordinasyon sa kanyang tanggapan ang DENR-MGB.
Gayunpaman, sinabi nito na hihingiin nila ang paliwanag ng DENR-MGB ukol sa sinkholes at kung ano ang kanilang magiging rekomendasyon.
Aniya mahalaga ang mapa para matukoy kung may mga istraktura ang nakatayo sa sinkholes.
Nabanggit ni Bautista na noong nakaraang taon, binawi na ang moratorium sa pagpapatayo ng istraktura sa isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.