Ilang Chinese vessels huling nakatambay sa WPS

 

Namataan ang ilang Chinese vessels sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) nitong mga nakalipas na linggo.

Sa larawan inilabas ng AFP – Western Command, may 12 Chinese fishing vessels ang nasa silangan bahagi ng Sabina Shoal, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Dagdag pa ng WesCom, ang larawan ay kuha noong Nobyembre at noong Disyembre 5 ay may mga namataan pa rin na Chinese vessels sa nasabing lugar.

Una ng nagpahayag nang pagkabahala ang Department of National Defense (DND) sa pamamalagi ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea dahil sa nalalabag na ang soberensiya ng bansa.

Samantala, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay maglalabas pa lamang ng opisyal na pahayag.

Read more...