8 patay sa landslide sa Malaysia

By Chona Yu December 16, 2022 - 12:32 PM

 

Patay ang walo  katao matapos ang landslide sa Batang Kali, Malaysia.

Ayon sa ulat, pito katao ang naiulat na nasugatan.

Patuloy naman ang ginagawang search and rescue operation sa dose-dosenang katao na nawawala.

Nabatid na ilang araw nang nakararanas ng malakas na ulann ang Malaysia dahilan para magkaroon ng landslide.

Matatandaan na noong buwan ng Marso, apat katao ang nasawi dahil sa landslide sa Kuala Lumpur.

 

TAGS: landslide, Malaysia, news, patay, Radyo Inquirer, landslide, Malaysia, news, patay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.