Sen. Koko Pimental duda sa mabilis na paglusot ng Maharlika Fund sa Kamara
Maraming kuwestiyon ang nabuo kay Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa mabilis na pagkakalusot ng isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kasunod ito nang pagkakapasa ng panukala sa ikatlo at huling pagbasa matapos matanggap ang sertipikasyon mula sa Malakanyang na ito ay isang ‘urgent bill.’
“We are being set up for something. What that something is, I don’t know yet. We will try to find out when we interpellate on the Maharlika Fund bill,” ani Pimentel.
Aniya kailangan na malaman ang motibo at ang tunay na layon ng panukala at kung bakit nasertipikahan na ‘urgent’ ng Malakanyang.
Bago pa ito, kinuwestiyon na ni Pimentel ang hirit ni Budget Sec. Benjamin Diokno na sertipikahan ni Pangulong Marcos Jr., bilang ‘urgent’ ang panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.