Ikatlong ‘Seal of Good Governance’ nasungkit ng Muntinlupa LGU

By Jan Escosio December 16, 2022 - 10:58 AM

 

Nakamit ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa sa ikatlong pagkakataon ang ‘Seal of Good Governance’ mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Labis itong ikinatuwa ni Mayor Ruffy Biazon  at aniya ito ay pagkilala  sa mga residente ng lungsod dahil sa kanilang pagsusumikap, kabilang na si Rep. Jaime Fresnedi.

“Talagang nakaka-proud maging isang Muntinlupeno. Maraming salamat sa lahat ng mga kawani Pamahalaang-Lungsod pati kay Cong. Jimmy Fresnedi  sa kanyang mahusay na pamumuno noong siya pa ang mayor,” aniya.

Nabatid na ngayon taon, bukod sa Muntinlupa City, apat pa sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ang binigyan ng ‘Seal of Good Governance.’

Natanggap na ng lungsod ang parangal noong 2015 at 2019.

Ibinibigay ito ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng mahusay na pamamahala at polisiya.

TAGS: good governance, Muntinlupa, news, Radyo Inquirer, Ruffy Biazon, good governance, Muntinlupa, news, Radyo Inquirer, Ruffy Biazon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.