Mga dokumento sa pagbili ng COVID -19 vaccines hawak na ng COA

By Jan Escosio December 16, 2022 - 10:22 AM

Isinumite na ng Department of Health (DOH) sa Commission on Audit (COA) ang mga kinakailangang dokumento kaugnay sa mga biniling COVID-19 vaccines.

Ginawa ito ng DOH alinsunod sa isasagawang special audit ng COA sa mga pagbili ng mga bakuna.

“Sisiguruhin ng Kagawaran ang patuloy na pakikipagugnayan sa COA para sa iba pang mga dokumento at impormasyon na kakailanganin ng komisyon,” pahayag ng kagawaran.

Kasabay nito, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sna handa silang sagutin ang lahat ng mga katanungan ukol sa pagbili ng mga bakuna.

“Handa pong harapin ng Kagawaran ng Kalusugan ang anumang katanungan ukol sa ating vaccine procurement sapagkat kampante tayo na lahat ng mga prosesong isinagawa ng ating pamahalaaansa pagbili ng mga bakuna upang maprotektahan ang ating mga kababayan ay nakaayon sa batas,” aniya.

TAGS: COVID-19, news, Radyo Inquirer, vaccines, COVID-19, news, Radyo Inquirer, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.