Pilipinas nagpasaklolo sa EU sa UNCLOS

By Chona Yu December 16, 2022 - 10:10 AM

 

Humihirit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa European Union na epektibong ipatupad ang United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos) at pakalmahin ang tensyon sa Indo-Pacific region.

Sa talumpati ng Pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (Asean)-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium, nanawagan ang Pangulo ng “closer maritime cooperation” sa pagitan ng Asean at EU.

Sinabi pa ng Pangulo na sa ngayon, isinusulong ng Pilipinas ang independent foreign policy sa gitna ng kompetisyon sa pagitan ng Amerika at China sa Asean region.

Ayon sa Pangulo, hindi kailanman nanaisin ng Pilipinas na makasali sa ano mang tensyon ng ibang bansa.

 

TAGS: eu, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, UNCLOS, eu, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, UNCLOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.