Manggagawang Filipino ibinida ni PBBM sa European traders

By Chona Yu December 15, 2022 - 03:33 PM
Ibinida ni Pangulong  Marcos Jr. sa Philippines-European Union business roundtable sa  Brussels, Belgium ang malakas na puwersa ng mga manggagawang Filipino. Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Usec. Cheloy Garafil na ipinagmalaki ng Pangulo ang mga manggagawa bilang pinakamalaking bentahe ng bansa. “The Filipino workforce is our greatest advantage. We have a sizeable population of 107 million Filipinos and our labor force presently stands at 50 million,” pahayag ng Pangulo. Nangako rin ang Pangulo sa harap ng European businessmen na ipagpapatuloy  ng administrasyon ang suporta sa  ease of doing business at patuloy na pagagandahin ang  business climate sa bansa. Ibinida pa ng Pangulo na aabot sa 800,000 graduates ang nagtatapos sa bansa kada taon. Mga disiplinado at magagaling aniya ang mga graduates kung saan karamihan ay nagtapos sa kursong business administration, education science and teacher training, engineering and technology, information technology-related disciplines, maging sa medical at allied courses. Sinabi pa ng Pangulo na Bukod sa mga bata pa ang mga manggagawa, mataas ang trainability ng mga ito. Bihasa rin aniya at magagaling sa English language, technological skill, cost-efficiency, cultural adaptability at  low turn-over or attrition rate ang mga manggagawa sa Pilipinas.

TAGS: eu, filipino, workforce, eu, filipino, workforce

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.