Shipbuilder magtatayo ng P1.5-B shipyard sa Pilipinas

By Chona Yu December 15, 2022 - 03:27 PM
Ni-renew ng French shipbuilding firm na OCEA S.A. ang planong pagtatayo ng P1.5-billion shipyard development sa bansa. Ginawa ng kompanya ang pangako matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong  Marcos Jr. sa Brussels, Belgium. Ayon sa OCEA, ang naturang investment ay makalilikha ng  500 hanggang 600 direct at indirect jobs sa Pilipinas. Target ng kompanya na gumawa ng 15 hanggang 120-meter boats para sa sektor ng maritime safety and security, transportation at fisheries. Una nang nangako ang OCEA ng investment sa bansa sa 9th Philippine-France Joint Economic Committee (JEC) meeting noong Hulyo. Nagpadala na rin ang kompanya ng letter of intent sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagtatayo ng OCEA Shipbuilding Philippines Inc. Nakikipag negosasyon ang kompanya sa mga potential associates at partners sa bansa. Plano ng kompanya na magtayo ng shipyard sa Mariveles, Bataan; Batangas; Sual, Pangasinan; at Subic. May kontrata na rin ang OCEA sa pag gawa ng barko para sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Merchant Marine Academy (PMMA). Nagpasalamat naman ang Pangulo sa tiwala ng  French company sa bansa. “Our seafarers are very important to us, especially as we start to recover and the training ship is going to be critical for the continuing [training] because I keep hearing now about the new technologies,” pahayag ni Pangulong Marcos. “And the training ship is very necessary so that they can get the proper credentials from whatever maritime academy they are attending, the potential seafarers. So that is going to be a big help,” dagdag ng Pangulo. Nabatid na ang OCEA ang gumawa ng BRP Gabriela Silang ng PCG.

TAGS: Asean, eu, Investment, ship, Asean, eu, Investment, ship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.