Philhealth magtataas ng singil sa member’s contribution

Maniningil ng karagdagang 0.5 porsiyento sa kontribusyon ng kanilang mga miyembro ang Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) simula sa susunod na buwan.

Mula sa kasalukuyang 4.0 porsiyentto ito ay magiging 4.5 porsiyento na sa 2023.

Nabatid na ang pagtaas sa kontribusyon ay alinsunod sa Universal Health Care Act.

“Para maintindihan natin, doon po sa kumikita ng P10,000 kada buwan, so times 4.5 percent starting January, ang atin pong kontribusyon ay P450 kada buwan. At kung iyan ay hahatiin pa between the employer and the employee, iyan ay P225 pesos na lamang ang ating magiging share,” ani PhilHealth Corporate Communications Senior Manager Rey Balena.

Ang taunang pagtaas sa kontribusyon ay magpapatuloy hanggang 2025.

Read more...