Itinaas na 2 porsyentong fare commission na kinakaltas ng Grab sa TNVS drivers, walang alam ang LTFRB

By Chona Yu December 14, 2022 - 06:29 PM

 

Walang alam ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa itinaas na  2 percent fare commission na kinakaltas ng Grab sa mga TNVS drivers.

Ayon sa LTFRB, tanging ang fare adjustment lamang ang inaprubahan ng ahensya para sa mga pampasaherong sasakyan.

Kasunduan lamang ng Grab at TNVS partners ang dalawang porsyentong fare commission.

Nabatid na noong Disyembre 1 sinimulan ng Grab ang pagpapatupad ng dalawang porsyentong fare increase commission.

Sa ginanap na pagdinig ng House committee on Metro Manila Development, sinabi ng LTFRB na  sila ang nagreregulate ng fare matrix ng lahat ng pampasaherong sasakyan ngunit ang 2 percent fare commission na kinukuha ng Grab sa kita ng TNVS drivers ay internal agreement ng mga ito.

Kaugnay nito, nagalit naman si ACT Congresswoman Francisca Castro sa Grab dahil hindi nito maipaliwanag sa panel kung magkano ang mawawala sa kanilang kita kung hindi na ikakaltas sa TNVS drivers ang itinaas na 2 percent commission ng Grab sa mga ito.

Kinuwestyon din ni Castro kung bakit nagpadala ng representative ang Grab sa pagdinig ng Kongreso gayung wala itong maipahayag na sagot sa kanilang mga tanong.

Hiniling nito sa komite na isubpoena ang executive ng Grab upang ito mismo ang magpaliwanag hinggil sa reklamo ng mga drivers sa sobrang taas nang kinakaltas na komisyon sa kanilang kita.

Sa hearing , sinabi ni Jun de Leon ng Laban ng TNVS na dahil sa itinaas na 2 percent na komisyon ng Grab sa kita ng mga TNVS drivers, may 12 hanggang 16 oras nang nagmamaneho ang mga driver para lamang kumita sa kada pasada.

“Sa kabila po ng pagtaas ng halaga ng bilihin at gasolina,Kami po sa TNVS drivers ay humihiling sa komiteng ito na tulungan kami sa ginawang pagtataas ng GRab sa kanilang komisyon sa kita ng mga TNVS drivers.Kaya hiling po namin sa komite at sa LTFRB na magregulate sa ganitong pagtaas . Sana po magkaroon na ng batas para sa mga TNVS,” sabi ni de Leon

Ayon kay de Leon, 10 percent hanggang 12 percent na ang kinakaltas na komisyon ng Grab sa kita ng TNVS drivers at nadagdagan pa ito ng 2 percent nitong December 1.

Dahil anya dito, malaki ang epekto nito sa kanilang commuters at ang mahabang oras na pagmamaneho ay masyado anyang mapanganib sa kanila at sa mga pasahero gayundin sa kanilang kalusugan.

Kaugnay nito, hiniling ni Congressman Joel Chua sa komite na ipasubmit sa secretariat ang documentation kaugnay ng mga pagdinig hinggil  dito.

Niliwanag naman ni Congresswoman Arlene Brosas  ng  Gabriela partylist na matagal nang isyu at problema ang tungkol dito kayat napapanahon na ito ay maaksiyonan na ng mga kinauukulan.

Anya ang kalagayan ng maliliit na  driver ang nakasalalay sa naturang isyu na matagal nang hindi naaaksiyonan may ilang taon na ang nakararaan.

Sinabi naman ng Philippine Competition Commission na wala pa silang aksiyon hinggil sa surge fee na sinisingil ng GRab  sa TNVS passengers. Anya noong panahon na nakuha ng Grab ang pangangasiwa sa  Uber noong 2018 ay  naipag utos nilang mag refund ng P25 Milyon sa Grab passengers.

Aniya, P18 Milyon lamang ang nairefund ng GRab at may naiwan pa na P7 milyon na hanggang ngayon ay hindi nairerefund ng kumpanya.

Ayon sa PCC, kung hindi pa rin mairerefund ng Grab ang natitirang halaga ay maglalapat ulit sila ng parusa dito hindi pa kasama ang usapin sa surge fee .

Inerekomenda naman ni Congressman Gustavo Tambunting sa komite na kun ayaw magpunta ng GRab Executives sa subpoena ng Kamara ay mas mabuting desisyunan na ang paglalapat ng kaukulang aksyon laban dito.

 

TAGS: fare commission, Grab, news, Radyo Inquirer, TNVS, fare commission, Grab, news, Radyo Inquirer, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.