Tinutugnan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pangamba ng ilan sa panukalang batas na Maharlika Wealth Fund bill.
Ayon kay Pangandaman, naka-angkla sa programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang panukala para mapabilis ang implementasyon ng mga development projects.
Layunin din nito na magkaroon ng inclusive economic prosperity sa bansa.
Katunayan, inalis na ng House Committee on Appropriations na tanggalin na ang pondo ng GSIS at SSS sa Maharlika Welath Fund.
“Our legislators listened and now, they are fine-tuning the bill. I’m sure that when it gets to the Senate, the Economic Team will be called. Everyone who wants to share their amendments will be considered, so let’s respect the process of legislation,” pahayag ni Pangandaman.
Sinabi pa ni Pangandaman na magandang oprtunidad din ang pagbalangkas ng batas para marinig ang hinaing ng taong bayan.
“It’s democracy at work,” pahayag ni Pangandaman.
Sinabi pa ni Pangandaman na may mga safeguards naman ang panukalang batas para matiyak ang accountability at transparency.“Any measure, program, or law that will help our budget given our limited [fiscal] space right now is welcome news for me and the DBM. So we will support the creation of the wealth fund,” pahayag ni Pangandaman.